Wednesday, 6 April 2016

WIKA : KATUTURAN AT KATANGIAN


Katuturan ng Wika


Ano nga ba ang wika?

Ayon kay Webster , ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.

Ayon naman kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na "What is Language?", ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

Halos gayon ding ang kahulugang ibinigay ni Henry Gleason sa wika. Ayon sa kanya,ang wika ay masistemang balangkas ng mga taong kabilang sa isang kultura.


Katangian ng Wika



Ang wika ay...

                    ~ masistemang balangkas

                    ~ sinasalitang tunog

                    ~ pinipili at isinasaayos

                    ~ arbitraryo

                    ~ ginagamit

                    ~ nakabatay sa kultura

                    ~ nagbabago

No comments:

Post a Comment